Sky Biscocho: The Man Behind The Trails

1655635_596053283811026_1192770402_o

I am a traditional climber. Ung traditional, pure adventure iniisip, dapat handa sa lahat ng mangyayari. Noon mas astig ang akyatan, mas gugustuhin. Ngayon may tinatawag ng now-a-days climber, ung medyo bahala na, kahit hindi handa basta maganda ang panahon. The difference? discipline.

A satisfying climb needs to have a thrill. Mas satisfied ako kapag ako ang gagawa ng daan ko. Hindi ung follow the trail lang, habang mas napapagod ako mas gusto ko. Gusto ko lang ng pure adventure.

Danger, unpredictability and difficulty are part of a climb. Marunong akong bumasa kung may danger. Hirap at pagod pero ang kapalit ay ang mga nakatagong kagandahan nang bundok na siyang hahangaan mo. No pain no gain.

Evolution happens. Maraming magandang improvements like mga gamit pero meron din mga mali na dapat ibalik sa tama. Isa na dito ang commercialization ng kabundukan natin. Basta kaya mo nang magbayad pwede ka nang umakyat. Ang epekto nito ay hindi mo na makilala ang tunay na climber o mountaineer sa mga fun climber lang. At nakaklungkot, naging hanapbuhay na rin ng mga lokal ang mga mountaineers.

Saka ngayon, among mountaineers, marami ng bisyo tulad nang pag-iinom.

Education is partially an answer to commercialization. Marami na ang nag-aaral about climbing, marami ng workshop kaso mas marami ang basta na-impluwensyahan lang kapwa mountaineer sa kanto at sumabay na lang sa uso.

Ang nakikita kong solusyun ay mga true mountaineer lang talaga ang dapat umaakyat. Dahil sa ngayon halo na ang tinatawag na fun climber sa true mountaineer at ito ay nakakalungkot.

Competition, machismo o payabangan is okay para sa akin. Basta hindi makakasira nang kalikasan. Ang gusto kong mawala ay ang mga fake mountaineers or ‘kuno’ sa bisaya.

Pinakamamahal ko  Mariveles Range. Kakaiba ang Mt. Mariveles sa lahat, hindi kataasan pero matinding bundok. Pwede maiksiang akyatan at pwede rin sa matagalan. May tubig at ang ganda nang mga land formation, variation ng mga halaman at kapunuan.

Aside from being a mountaineer, visual artist and musician I am a proud family man. Naitaguyod ko ang aking pamilya habang ginagawa ang mga gustong gusto kong gawin sa buhay tulad nang pag-akyat sa bundok, pag-compose ng musika at pagpinta.

Saka nadaanan ko na yata lahat ng pagiging elitista like naging rotarian ako for 6 years pero tinigilan ko kasi ang kasiyahan ko ay ang maging simple, malapit sa kalikasan at hindi sa mga taong hindi ako maiintindihan.

I don’t believe in politicians. Wala sa kalikasan ang focus nila kundi nasa tao. Ang politiko ay hindi ko mapapagkatiwalaan pagdating sa pangangalaga ng kabundukan

Death in the mountains comes to those who are not prepared enough. Kapag may kakulangan sa pag akyat tulad ng kakulangan sa kaalaman, kamatayan ang hahantungan. Pero minsan kapag si God tinuldukan ka na nya, talagang katapusan mo na. Ika nga, lahat ng bagay ay may katapusan.

How can one become a mountaineer? Ung hindi ka nakiki-uso lang, as a mountaineer bukod sa rules ng mountaineering na dapat sinusunod may puso ka rin para sa kabundukan. Ung mahal mo talaga ang kalikasan sa isip, salita at sa gawa. Saka may tao talaga na bagay sa kabundukan, sa pag uugali at likas na kaalaman tungkol dito. May mga inborn na survivalist.

Conflicting terminologies. Mountaineer ang tawag ko sa mga mountain climbers. Tropical mountains ang meron tayo at pag umakyat ka ng ating bundok, ikaw ay isang mountaineer. Nasa itaas ang aking mga kwalipikasyon. Ito ay aking pananaw lamang at hindi tayo salungat sa pananaw nang iba.

Funny experience and ghost story. Sa pag-explore namin sa isa sa hindi naabot na peak ng Mt. Cristobal ay ang tinawag naming Mule’s Peak. Pinangunahan ko ito na kasama ang buddy ko na si Lester Susi. First time na kinilabutan ako sa sitwasyon kasi nung ma-explore namin ang summit nito napansin ko at nakita ko na may kasama kami lalo na nang ilatag ni Lester ang mapa. Nakita ko na katabi niya ang taong iyon, isang nitibo (native/local) walang mukha at naka bahag katabi si lester. Sabi ko ‘Lester may katabi ka’, hindi siya umimik pero dahan-dahan niyang tinupi ang mapa at nilagay sa lalagyan sabay sabi nya sa akin, ‘Sky, kanina pa siyanakasakay sa backpack ko’. Titigan kami sabay ratrat pababa, walang tigilan hanggang nawala ung nitibo. Nakatulog kami mismo sa trail na aming ginawa dahil sa pagod.

*********
The man that is Sky Bischoco is a resident of Tanauan City, Batangas. He graduated Fine Arts major in Painting at  University of Santo Tomas and received Photography credits from UP Los Banos.

He is known as a visual artist and was exposed on one man shows here and abroad. His works were included on Philippine art books like the Contemporary of Philippine Art series magazines to name a few. A multi awarded visual artist, he was among one of the most outstanding alumni of his alma matter in the field of visual art. In 1983, he was awarded the Hall of Fame.

Aside from being a visual artist, Sky is also known as a music lover. From his mountain inspirations, he composed the AMCI hymn. He was alos awarded as the explorer of Mt. Mariveles, “The Blue Mountain” by the municipality of Mariveles, Bataan in 2011.

He climbs mountains to this day, you won’t believe he’s running towards being a 63-er this coming December 24.

note: Mule’s Peak can be traversed via Brgy. Bukal, Nagcarlan to Kinabuhayan. The trail was opened by Sky and Lester, however it was not approved by the authorities as a hiking trail.

Advertisements

3 thoughts on “Sky Biscocho: The Man Behind The Trails

  1. maraming salamat Ven Ap sa blog mo na ito para sa akin ang pag sulat mo nito ay isang malaking karangalan para sa akin napaka galing napaka ganda direkta sa mga tanong at labas ng sagot ko ika ko nga sa akyatan aba matindi he he at sana maging karagdagan ito sa impormasyon sa pagkatao ko mga paniniwala at gawain ko na parati kong inaambag o ipamahagi sa aking mga kaibigan sa aking sining at pamumundok MARAMING SALAMAT KAIBIGAN at lalo na sa poong maykapal /// maraming salamat.

    Like

  2. To climb a mountain is to feed the visual needs of our living spirit /// And art is not just an ordinary subject that we see it is also a visual adventure that we have to feel……. para sa lahat ng aking mga kaibigan kapwa mountaineers at mga nagmamahal sa lahat ng uri ng sining lalo na ang visual art at muska MAHALIN NATIN ANG KALIKASAN KABUNDUKAN NG WALANG PAGKUKUNYARI SA ISIP SALITA AT SA GAWA, sky 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s