Five Saddest Phrases in the Mountains

We’ve heard them all before and we will continue to hear them again and again and again. I don’t know but we somehow refuse to be immune that even if we hear them often, there is always that sinking feeling of sadness each time that couldn’t be suppressed.

We can’t help but feel a little sad and a little bit sadder. Here are the top five saddest phrases I’ve ever heard.

“Ubos na ang trail food”

Where did all your baon gone to? Pilit mo mang itak-tak ung lagayan ng happy peanuts broken pieces na lang ng mani ang lumalabas.  Kapa ka pa more sa lahat ng bulsa ng trek pants o sa sosyal mong pack kaso ubos na talaga ang naibulsa at nadala mong trail foods.

And you can almost hear your stomach growl anticipating the fact you are out of trail food and the camp site is way too far still. A downer indeed, nganga ka na lang o pakapalan ng mukha, hihingi sa mga climb mates.

Malapit na po”

Ilang tanong ka na sa guide ng “malapit na po tayo kuya?” but Kuya guide’s answer is always a smile kaya uulitin mo ulit ung tanong so wala na siyang choice kundi sabihin na “malapit na po” na ang ibig sabihin ay ‘malayo pa po at ang kulit mo po’.

You’ve always known the answer because that seems to be what all guides agree to say to every climber who ask. Kahit saan kang bundok umakyat sa Pilipinas pare-pareho sila nang sagot, hindi naman sila magkakakilala (lol). Sometimes, every climber I know just ask this for the sake of asking because a “malapit na” really means malayo pa. Talk about reverse psychology kaso nakakalungkot pa din pag narinig mo ang linyang yan.

Its just because iba ang sense nang measurement nang mga lokal sa pag measure ng distance.

We are out of booze!”

Freak out time.

Para sa iba, oras na nang tulugan pagkatapos ng isang masyang kwentuhan pero sa mga medyo mahilig uminom sa bundok, ito ay isa sa mga nakakalungkot na kataga.

Ung iba nakukuha lang daw sa diskarte, kunyari tumatabi sa mga kasama sa camp site, nakikipagkwentuhan tapos maya maya nakikipagbarter na nang foods, madaluyan lang muli ang sikmura ng alak.

Sabi nga nila, if there is a will there is a way.

 

“Walang toilet dun”

Siguro para sa iba hindi ito depressing pero sa mga babaeng namumundok, isa ito sa mga ayaw na ayaw naming marinig. Kaso baka may magsabing “kung naiimbyerna ka dahil walang c.r. eh d mag-mall ka na lang!” kaya girl smile ka na lang if there is one at the camp site or just shut up when there is none.

Ginusto mo yan at ganun talaga ang buhay sa bundok. So just to be sure, pack up your poo-poo kit dahil mas lalong malungkot pag wala ka nun. Baka sa huli dahon ang last resort mo.

 

Malakas ang hangin at ulan…”

Most depressing of all mother of depression para sa isang namumundok. You won’t forget that solemn look of your team’s head guide pagkagising mo sa umaga, gusto mo ulit bumalik sa pagtulog at isipin na you’re just having a nightmare. Hindi pa man niya nauumpisahan  ang ala-nobela niyang pagpapaumanhin (prinktis pa naman niya), alam na alam mo na sa facial expression pa lang.

“Paumanhin po mga mam at ser, hindi po tayo makakapag summit dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Delikado po dahil may parte po na bangin o open space at wala pong mga puno”

Sad indeed but you get use to it lalong lalo na pag pang 7x mo nang akyat sa Pulag ng hindi mo man lang nasilayan ang sea of clouds at sunrise. Tapos may biglang babanat sa grupo mo nang “hindi ka naman namumundok para lang sa summit o sa sunrise”. Is he a wacko? As far as I remember, reaching the summit is an end goal for every mountaineer. Ang labas revenge climb nanaman! Dyos ko po, namulubi na. Ipon-ipon ulit.

If these aren’t the saddest phrases you’ve ever heard during your hikes, I don’t know what could be more sadder than these list. If you have one, do share it on the comment box.#

 

Advertisements

10 thoughts on “Five Saddest Phrases in the Mountains

  1. Badtrip pag yung mga kasama mo hindi nagdala ng sapat na pagkain or tubig… Gusto umakyat ng bundok at makita ang ganda ng kalikasan,eh ayaw nmn mahirapan ng mga unggoy! Ms lalong nakakaasar kung walang water source sa bundok or mga tindahan na ala 7’11,tulad sa batulao at pico(dati)

    Liked by 1 person

    1. Ganun talaga pag iba-iba kasama mo. As Sky would always say, fun climbers daw ang mga iyan. In a way ganun din minsan ako. Masaya na nga ako na there are porters and guides. Siguro the best solution would be educate and isama sa mga seminars, in the long run matututo din. sabi nga ni Alma “dasal lang” (lol)

      Like

    1. I respect your opinion and thank you for taking your time to post your observation. The list is focused on the phrases na naririnig natin that gives off the feeling of “nakakalungkot” in a funny way not in a tragic way and I believe I have not referred to mountain climbing as an activity devoid of discomfort.

      Like

  2. “Wala na kong tubig”
    “Bakit ilan ba dala mo?”
    “Isang litro”
    *facepalm
    (saang banda sa sinabi kong magdala ng at least 2 liters ang hindi malinaw, pag matigas ang ulo ng mga newbie, it’s a struggle)

    Liked by 1 person

    1. Pauwiin na yan.. hahaha what I do is I check their water before the trek starts lalo na if walang water source along the trail. Kaya mo yan, educate and paalala pa more!

      Like

  3. “15 minutes na lang.”

    The most common response to whatever question along the trail. Heard this multiple times on my hike up Pico de Loro. Haha! Nice post, although I haven’t tried alcohol sa mountains, the others are well relatable. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s